Flowers Tumblr Themes
Maybe it's time to put on my space suit
2:34 AM / 12.11.11
Kinumpleto nila di lang ang taon ko, pati na rin ang pagkatao ko.
2:34 AM, Madaling araw na. Di mawala sa isip ko na pagkatapos ng linggo na ito, Christmas break na. At pag natapos na yon, tatlong buwan na lang. At ba-bye na.
Sa sobrang dami naming pinagsamahan, hindi ko maiwasang isipin na siguro, hindi ko kaya na wala sila. Maaring makayanan ko, pero mahihirapan ako. Masyado ko ng mahal yung mga tao na ito. Naiiyak na ako, pero dapat pigilin ko muna to dahil panigurado, sa graduation ko mabubuhos lahat ng luha ko. 
Lord, maraming maraming salamat po, sa pagbibiyaya Niyo sa akin ng isang buhay na punong puno ng saya at kaligayahan. Maraming salamat din po dahil binigyan Niyo ako ng mga taong masasandalan ko sa mga oras na kailangan ko ng karamay, at mga taong makakasama ko sa lahat ng ngiti at tagumpay na aking matatamo. 
Gabayan Niyo po kami, kahit na dumating na ang oras para magkahiwahiwalay kami, wag Niyo kaming hayaang makalimutan lahat ng aming pinagsamahan. 

  1. heysunday posted this